really a breathtaking experience. no fright, but there is just a need to hold on to the ambo as i share my thoughts.
good thing that people listened intently.
and i had to repost a piece of what i have shared (i did not really read this, and most of what i have said didn't come here.)
xxx
Mga kapatid kay Kristo, uulitin ko po ang nabanggit na noong mga nakaraang hapon. Si Hesus ang tinapay ng buhay, at siya ang matindi, mapag-aruga, at wagas na Pag-ibig ng Panginoong ating Ama.
Sa kaniyang sobrang pagmamahal sa atin, si Hesus, ang Diyos Anak, ay naging tao at nakasama natin. Isipin ninyo, ang Diyos, makapangyarihan at kayang gawin ang kahit ano, ay nagpakababa at naging katulad natin, upang makita natin at madama ang Kaniyang pag-ibig! At bukod pa roon, ibinigay niya ng buo ang Kaniyang sarili at inihandog sa atin upang tayo ay magkaroon ng bagong buhay. At kahit hanggang ngayon, inaalala at sinasariwa natin ang pagbibigay niyang ito sa Banal na Misa, kung saan tinatanggap natin si Hesus tuwing tumatanggap tayo ng Komunyon. Ibig sabihin, kapiling natin ang Panginoon. The Lord does not just watch over us. He walks with us. He is within us! Sa pagtanggap natin ng Kaniyang Katawan, tinatanggap na rin natin Siya sa ating buhay. Kasa-kasama natin Siya, sa lahat ng ating mga karanasan sa buhay, masaya man, o malungkot, o masakit, o matagumpay. Nariyan lagi ang Panginoon para sa atin, patuloy tayong binibigyan ng biyaya upang patuloy na tahakin ang landas patungo sa Kaniya, at sana po ay nadarama natin ito sa bawat sandali ng ating buhay.
That is why every moment in our life is a Jesus-moment. Sa bawat karanasan natin, kasama nating maglakad si Hesus. Sa mga masasayang sandali, kung saan tayo ay naging matagumpay sa ating mga gawain tulad ng pag-aaral, trabaho, o sa relasyon, naririyan si Hesus upang makisalo sa atin. Sa mga panahon kung saan tayo ay hindi naging matagumpay, kung saan tayo ay nagkulang o nagkamali, o sa mga pagkakataong masasabi nating “hindi lang talaga maganda ang mga nangyayari,” nariyan si Hesus upang makiisa sa atin, at bigyan tayo ng lakas at inspirasyon na magpatuloy at hindi sumuko. Sa tuwing may pinagdadaanan tayong mga pagsubok, nariyan Siya, binibigyan tayo ng lakas upang marating natin ang ating mga ninanais at pinapangarap sa buhay. Nariyan Siya.
Balikan po natin ang ating buhay. Kailan po natin tunay na naramadaman ang pag-ibig ng Panginoon, ang pag-ibig ni Hesus sa atin? Kailan natin naramdaman at nasabi sa ating sarili na “Ako ay mahal ng Panginoon!”?
Magandang gabi po sa inyong lahat.
------------------------
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment